cnu ang nag-iisip dito???

May mga  bagay dito sa mundo na mahirap tanggapin… mga mga pangyayaring hindi natin inaaasahan… mga pangyayaring nagkapagbabago satin… nde lamang kung paano tayo mag-isip isip at gumalaw, kundi pati ang ating mga pananaw sa buhay… mahaba ang ating paglalakbay… paglalakbay na kung minsan ay hindi natin alam kung saan ang ating patutunguhan, at kung sakaling alam man natin… ay pilit nating kinakalimutan dahil masaya tayo sa kasalukuyang biyahe…

Mula pa noon, naniniwala ako at tinatanim ko sa isip ko, na wala sa bukabularyo ko ang salitang “regret”, ayaw ko ang mga taong nagsasabing nasa huli ang pagsisisi kasi naniniwala ako na hindi natin dapat pagsisisihan ang mga bagay na ginawa natin… na nagbigay sa atin ng PANSAMANTALANG ligaya, at sa huli ay matatanto na lang natin na hindi pala dapat, hindi natin dapat pagsisihan ang mga bagay na nung una ay ginusto nating gawin at ipagpatuloy nating gawin.. kaya nga may sinasabi tayong matuto sa ating pagkakamali…

Ngunit, hindi ko sinasabi na kailangang gumawa tayo ng mali para matuto, may mga bagay na mas maiintindihan natin kung tayo ang nasa lugar… oo, ang mali ay mali… ngunit tandaan natin na kung walang mali.. hindi tao matututo at hindi kailan man tayo matututo… May mga iniisip tayong

mali

na sa kalaunan ay maintindihan nating hindi naman pala yun ganun kamali tulad ng iniisip natin…

May mga bagay lamang na hindi na natin dapat palakihin pa, may mga bagay na dapat ng kalimutan at kailangang tanggapin kahit gaano man ito kasakit..

Leave a Reply